Connect with us


Health

ALAMIN: Mabulang ihi, indikasyon nga ba ng diabetes?

Published

on


Maaari nga bang maging basehan ang mabulang ihi para mangamba ang isang tao na baka mayroon siyang diabetes? Alamin ang paliwanag ni Dr. Dave Ampil II sa programang “Pinoy MD.”

Ilang padalang katanungan tungkol sa kalusugan ang tinugunan muli ni Dr. Dave sa “Pinoy MD” tulad ng pangamba ng isang netizen tungkol sa mabulang ihi.

Ayon sa duktor, hindi indikasyon na maaaring mayroong diabetes ang isang tao dahil lang sa mabula ang kaniyang ihi.

Paliwanag niya, maraming posibleng maging dahilan kung bakit mabula ang ihi ng isang tao. Kabilang dito ang pagiging dehydrated, ang kondisyon ng lugar na pinag-ihian, o baka maprotina ang katawan.

Patuloy ni Dr. Dave, mayroon mga nagsasabi na lumilitaw sa mabulang ihi ang sobrang protina sa katawan ng tao na indikasyon na posibleng mayroon naman siyang problema sa bato o kidney.

Dahil dito, ipinayo ng duktor na kumonsulta sa espesyalista para masuri ang ihi nang malaman kung ano ang problema sa kalusugan.


Panoorin ang buong video at alamin ang tugon ni Dr. Dave sa mga katanungan tungkol sa kung maaaring maipaayos ang banlag na mata; paano malalaman ang pag-atake ng migraine; at ano ang posibleng problema sa kalusugan kapag sumuka ng dugo?

 

LIKE US ON FACEBOOK

viral